View photo
  • #roots #trees #emotions #feelings #photography #35mm photography #film photography
  • 8 hours ago
  • 3
View photo
  • #up diliman #no entry #film photogrpahy #35mm photography #philippines #manila #trees
  • 15 hours ago
  • 3
View photo
  • #decay #35mm photography #film photography #leaves #nature #woods #dried leaves #up diliman
  • 16 hours ago
  • 9
View photo
  • #smoke #cigarette #woman #makati #philippines #35mm photography #film photography
  • 18 hours ago
  • 6
View photo
  • #yardstick #coffee #cafe #chocolate #makati #cup #film photography #35mm photography
  • 20 hours ago
  • 7
View photo
  • #haruki murakami #1q84 #book #bookworm #cafe #film photography #35mm photography
  • 1 day ago
  • 10
View photo
  • #haruki murakami #1q84 #book #film camera #film photography #35mm photography #camera porn #bag shot
  • 1 day ago
  • 20
View photo
  • #dog #bird #film photography #35mm photography #black and white #animals #pet
  • 1 day ago
  • 4
View photo
  • #sausage #black and white #film photography #35mm photography #cook #food #manila
  • 1 day ago
  • 11
View photo
  • #film photography #35mm photography #accidents #Black and White #trees #leaves #loneliness #please stay #stay
  • 1 day ago
  • 8

Miyerkules


"Paano kung sa huli, hindi tayo ang magkatuluyan?" tanong nya sa akin habang papikit na ang kanyang mga mata, tila araw na papalubog sa karagatan. "Gagawan natin ng paraan, magtataksil tayo sa kanila." sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung narinig n’ya pa, wala na ang kanyang diwa bago pa man ako matapos magsalita, lumipad na sa mga bituin, o lumangoy na sa karagatan, nasa isang malayong lugar na walang nakakaalam kung saan. Madalas ganoon ang panaginip nya.

Nagising ako kinabukasan sa mga kalabog ng gamit, hindi ko pa halos maaninag kung s’ya nga ba ang nag-iimpake, kalahating tulog pa ang aking isipan, at nakapikit pa ang kanan kong mata. “Anong ginagawa mo? bakit ka nag-iimpake?” sabik na sabik s’yang patalon na sumampa sa aking tabi at hinawakan ang aking pisngi, napapikit ako sa paglapat ng malambot nyang mga kamay. “Aalis ako, maglalakbay ako! Pupunta ko sa Egypt, para makita ang mga pyramid, gusto kong hawakan ang malalaking bato na daang taon ang tanda sa akin, at daang taon pang mananatili kahit wala na ako. Dadamhin ko ang init ng disyerto at sasakay ako sa Camel. Pupunta ako sa Paris, at magpapanggap na isang sophisticated parisian girl, lalakarin ko ang mga kalye ng paris, pupuntahan ko ang lahat ng magagarang Cafe, at mamimili ng pinakamagagandang damit na gawa ng mga designer.” Nanlalaki ang kanyang mga mata. “Pupunta ako sa Peru! Magbibilad ako sa araw at sa ulap habang pinagmamasdan ang Machu Pichu, nakikita ko na ang sarili ko, medyo sunog ang balat, nababalot ng makukulay na tela habang kumakaen ng kanilang pinaka-sariwang prutas. Pupunta ako sa Italya, lilibutin ko ang Rome, Florence, ang Pisa, at syempre ang mga sikat na Canal ng Venice. Sa tunog ng gitara at violin, lulutang ako at sasayaw habang nakatingala sa mga bituin. At syempre di ko papalampasin ang Greece, papanuorin ko ang paglubog ng araw, habang nasa aking pinakamagandang puting bestida. Kasama ng mga manunulat, pintor at musikero, hinihigop ang mainit at fresh na kape, at sa likod namen ang mga puting bahay na bato at isa sa mga bahay na iyon, dun ako nakatira.” Nagniningning ang kanyang mata, halos masilaw ako. Tumalon muli sya pabalik sa kanyang ginagawa “Matulog ka muna, alas tres palang ng madaling araw, may pasok ka pa bukas.” Tila sinuntok ang aking kamalayan, nalaglag sa aking ulo’t bumalik sa aking unan. 

Nagising ako kinabukasan mula sa isang mahabang panaginip, isang malabong panaginip tungkol sa India, lumilipad na sasakyan, at bus na nakatigil sa gitna ng malawak na bukid. Akala ko panaginip din yung pag-iimpake nya, ngunit wala na talaga s’ya, at natulog lamang ako habang umalis s’yang walang paalam. Walang huling halik o yakap, ang tanging naiwan lang ay ang kupas na korte ng kaniyang katawan sa aking tabi, at mga upos ng sigarilyo sa babasaging ashtray na iniregalo nya sa akin kahit alam n’yang di ako nagsisigarilyo.

Sinubukan ko s’yang hanapin, pero walang nangyari, tatlong linggo na pala siyang hindi pumapasok sa trabaho, at di ko rin ma-contact ang pamilya nya. Sinubukan kong manawagan sa radyo, telebisyon, pati sa pulis, pero sadyang nawala nalang talaga siya bigla. Parang isang talon na tumigil na lamang sa pag-agos, parang bagyo na bigla na lamang umalis at iniwan akong lagas at nakatumba. Gusto kong isipin na tumubo ang kanyang mga pakpak, na isa s’yang anghel kung totoo man ang mga iyon, at nakalipad na, malaya, malayo sa lahat ng gumugulo sa kanyang isipan.

Sunod kong nakita si K sa Balita sa TV dalawang taon matapos syang mawala. Sa CNN, naghahanap ako ng mapapanood noon, ng sa 1/3 ng isang segundo nasulyapan ng aking mata ang tila pamilyar na mukha na iniinterview ng isang news reporter, at ibinalik ko ang channel. Isang news tungkol sa pagpoprotesta ng mga estudyanteng Pranses laban sa kanilang gobyerno. Maiksi na ang kaniyang buhok, lampas lamang sa balikat, may kaunting bahid ng kulay ng kahoy na naulanan sa dulo nito. Medyo pumayat sya, lubog ang malalaki nyang mata at halos makita ko ang apoy na lumiliyab sa loob nito, nagngangalit. Nakabalot sa kaniyang leeg ang pulang plaid na scarf, at  may suot na dark green na jacket, nakaburda sa dibdib ang isang liyon. Mabilis ang kanyang pagsasalita, hindi ko maintindihan, tila nilublob ang aking tenga sa timba ng tubig. Naramdaman kong parang unti-unting nalalaglag ang aking mga ngipin, kumakalas ang aking buto, at tumitigil sa pag-ikot ang dugo sa aking katawan. Nararamdaman kong lumalabas sa butas ng aking balat ang malalamig na pawis. Dalawang linggo akong hindi nakatulog pagkatapos ng pangyayaring iyon. Isa parin siyang karayom na tumutusok sa aking balat ng paulit-ulit. 

Sa pag-alis nya natutunan ko ang kahalagahan ng pag-iisa at kasabay nito ay natutunan ko din ang kahalagan ng pagkakaroon ng kasama. Natuto akong kumaen mag-isa, natuto akong tumigil sa pakikipag-usap sa iba, at makipagusap sa aking sarili. Natuto akong tumahimik. Natutunan kong uminom ng kape mag-isa, habang naliligaw sa isang libro at naglalaro sa aking tenga ang tunog ng ulan, masarap din pala. Natutunan kong matulog sa malalamig na gabi. Natuunan ko kung paano tuluyang ipasok ang sarili sa paa ng karakter sa isang pelikula. Natutunan kong hindi ko kailangan ng malakas na musika sa madaling araw. Natutunan kong kaibigan din pala ang pag-iisa. Natutunan ko ang lahat ng ‘yan sa loob ng limang taon na wala sya.

—-

Isang normal na miyerkules sa Makati, makulimlim ang tanghali, ramdam ko ang init at kapal ng hangin. Tinatahak ko ang daan na araw-araw kong nilalakad tuwing lunch break papunta sa 711. Sa likod ng malalaking gusali, malayo sa mga smoking area. Isang normal na araw lang, ng tila sa isang segundo ay may naramdaman akong kakaiba, tila nadoble ako ng hakbang ng kanan kong paa. Hindi ko pinansin, at tumuloy lang ako sa paglalakad, parehong mga bitak ng simento, parehong bigat ng paa, lahat pareho. Tumingin ako sa aking relos, 12:17 - July 30 - Tue. Tuesday? Sira ata yung relos ko, tinanong ko ang nag-iisang lalaking nakatamabay sa gilid ng 711 . “Anong araw ngayon?” tinanong ko sa kanya, “Martes,” sabay hithit ng sigarilyo sa sagot na hindi man lamang ako nilingon. “Sigurado ka? diba miyerkules ngayon?”, tumawa ang lalake na para bang nagbitiw ako ng isang joke. Sa isip-isip ko’y baka nagkakamali lang ako, baka nga martes ngayon, pero sa likod ng isip ko sigurado ako na tapos na ang martes kahapon.

Sa paglalakad ko pabalik sa opisina, ay nakita kong muli si K.

Mas maiksi na ang kan’yang makapal na buhok na may bahid ng kulay ng taglagas, mas mataas na sa balikat at tila kasing lambot parin ng dati. Ang kanyang mga ngiti ay katulad parin ng dati, na nagpapaalala sa akin ng kalmadong dagat at tunog ng malalamig na agos nito sa buhangin. Ang kanyang labi na kasing pula ng strawberries. Ang kanyang malalaki at malalalim na mata, kasing lalim ng atlantiko, kasing itim ng kalawakan. Halos lumubog ako sa simento, na tila ba isa na ngayong karagatan. Halos maamoy ko s’ya, ang amo’y ng sariwang bulaklak ng tag-araw kapag umiihip ang malakas na hangin. Nasa loob s’ya ng isang coffee shop, at hindi ko malilimutan ang parehong kislap ng kanyang mata, noong kinwento nya sakin ang gagawin nya’ng paglalakbay. Parehong pareho ang nakikita kong kasiglahan noong araw na iyon. Kahit 8 metro at isa’t kalahating pulgada ang layo ko sa kaniya, halos maniwala ako, na tila ba hindi lang isang araw ang binalikan ko, kundi limang taon. Ang pinagkaiba lamang ay may kasama s’yang iba.

Tila ba sinadya ng kalawakan na pabalikin ako ng isang araw para makita ko syang muli, pero hindi na para lumaban pa o umasa. Siguro, para lang tuksuhin ako, oh para ipaalala sa akin na may mga bagay na hindi pwedeng ipag-pares. Naalala ko na minsan ko sya’ng ikinumpara sa Jazz music, tuloy-tulyo ang daloy, halos nakakabaliw, at walang masyadong salita, walang “extra baggage”. At samantalang ako isang Hiphop music, madalas puro salita na wala naman talagang ibig sabihin. Hindi ko alam kung mahal ko parin ba s’ya, pero pauli-ulit na tumakbo sa isip ko ang linyang “Gagawan natin ng paraan, magtataksil tayo sa kanila.” Paulit-ulit.

Araw-araw kong binalikan ang coffee shop na ‘yon, minsan ay nagtatagal pa ako doon hanggang sa mag-sara na sila pero hindi ko na s’ya muling nakita.

View text
  • #tagalog #sulat #storya #maikling kwento #writings #short story #pinoy #filipino
  • 1 day ago
  • 7
View photo
  • #langoy #dyipni #selfie #cctv #film photography #35mm photography
  • 2 days ago
  • 5
View photo
  • #kitchen sink #dishes #food #film photography #35mm photography
  • 2 days ago
  • 9
View photo
  • #manila #35mm photography #film photography #street #lrt #philippines #photographers on tumblr
  • 2 days ago
  • 13
View photo
  • #triangle #people #Street Photography #street #moa #film photography #analog photography
  • 3 days ago
  • 9
x